Upang mabawasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), mas pinaigting ng St. Luke's Medical Center (SLMC) ang telemedicine at testing nito.

“We are continuously finding ways to ensure that suspected or confirmed COVID-19 patients receive immediate medical attention,” sabi ni SLMC President and CEO Dr. Arturo de la Peña.

Available ang adult teleconsultation sa mga sangay nito sa Global at Quezon City, habang ang pediatric consultations ay eksklusibo sa SLMC Quezon City, inihayag ng ospital.

Samantala, ang pinaghihinalaan o nakumpirma na mga pasyente ng COVID-19 ay maaari ring mag-iskedyul ng teleconsultation sa isang doktor.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“Making healthcare more accessible is important especially during the COVID-19 pandemic. These COVID-19 home services are put in place to reduce the risk of exposure to the virus and offer treatment in the most convenient way possible, so the employees can safely go back to work,” dagdag niya.

Sinabi ni De la Pena na ang mga pasyente ng SLMC ay maaari ring mag-avail ng kanilang drive-thru, outpatient, at home service swab testing. Gayunpaman, ang mga nakakaranas ng malubhang sintomas ng COVID-19 ay pinapayuhan na pumunta sa emergency unit para sa agarang gamutan.

Ang oras ng turnaround ng test results ay nagkakaiba sa pagitan ng anim hanggang 48 na oras.

Gabriela Baron