Hindi na kakailanganin pa ng mga pasahero sa Metro Manila na magpakita ng vaccination cards o katibayan na bakunado na sila kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) para makasakay sa mga pampublikong transportasyon simula sa Pebrero 1, Martes.

Ito’y dahil sa ititigil na muna ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad nito ngayong ibababa na sa Alert Level 2 ang quarantine status ng Metro Manila sa pagpasok ng Pebrero.

“Once we de-escalate to Alert Level 2, the no vaxx, no ride policy shall automatically be lifted,” ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran.

Ang pahayag ay ginawa ni Libiran kasunod ng anunsyo ng pamahalaan na ang National Capital Region (NCR) at pito pang lalawigan ay isasailalim sa Alert Level 1 mula Pebrero 1 hanggang 15.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Matatandaang una nang sinabi ng DOTr na ang polisiya ay iiral lamang kapag ang isang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 3 at pataas.

Bukod sa Metro Manila, isasailalim na rin sa Alert Level 2 ang Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan.

Mary Ann Santiago