Bumaba pa sa 0.63 ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR), ayon sa OCTA Research Group.

Ipinaliwanag ni OCTA Fellow Dr. Guido David nitong Huwebes, Enero 27, dahil sa kasalukuyang trend, inaasahan nilang pagsapit ng Pebrero 14 ay aabot na lamang sa less than 500 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na maitatala sa NCR.

“2455 new cases in the NCR today 01/26/22. Actuals still tracking below projections. The target now is below 500 new cases by Feb 14. Reproduction number is down to 0.63 in NCR,” pahayag pa ni David, sa kanyang Twitter account.

Una nang iniulat ni David na ang COVID-19 reproduction number sa NCR ay bumaba na sa 0.71.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Ang reproduction number ay bilang ng mga taong maaaring maihawa ng sakit ng isang pasyente.Ang reproduction number na mas mababa sa isa ay indikasyong bumabagal na ang hawahan ng virus, ayon pa sa nasabing grupo.

Mary Ann Santiago