Handa na ang National Capital Region sa inaasahang implementasyon ng mas maluwag na Alert Level 2 sa susunod na buwan, ayon sa pahayag niHealth Secretary Francisco Duque III nitong Lunes, Enero 24.

“Oo, handa naman ang Metro Manila,” sabi ni Duque sa isinagawang pulong balitaan.

“Unang-una maganda naman ang ating vaccination coverage. So, maganda ang tiwala o ang confidence na maaayos natin ‘yung pagsunod sa minimum public health standards,” pagpapaliwanag ni Duque.

Binigyang-diin nito na dalawa lamang ang hakbang upang matugunan ang pandemya, una, malawak na vaccination coverage na naabot na sa Metro Manila, at ikalawa, ang pagsunod saminimum public health standards.

Eleksyon

Vendor, kakandidatong senador; nanawagan ng tulong para sa anak na may rare disease

Pagbabatayan aniya ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) sa gagawing pagbabawas ng alert level ang dalawang linggong growth rate ng sakit.

Dapat aniya ay nasa moderate risk level ang NCR na nangangahulugang dapat nasa pagitan ng 0 hanggang 200 percent ang growth rate sa nakaraang dalawang linggo.

Binanggit din nito na dapat ang average daily attack rate nito ay mula sapagitan ng isa hanggang pitong kaso kada 100,000 na populasyon at panghumli ay ang healthcare utilizationrate at angIntensive Care Unit (ICU) utilizationrate nito ay dapat nasa low risk classification.

Dhel Nazario