Nilinaw ngMalacañang nitong Lunes, Enero 10, na hindi kailangang magpatupad ng mahigpit na Alert Level 4 sa Metro Manila sa gitna ng pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang paliwanag ni acting Presidential spokesperson Karlo Nograles ay kontra sa pahayag ni Health Secretary Francisco Duque na nagsasabing kailangan nang isailalim sa naturang alerto ang National Capital Region (NCR) upang hindi umabot sa moderate risk level ang healthcare utilization rate sa rehiyon.

"On bed utilization, we are not hitting the metrics yet, and this is because the National Capital Region has 100% COVID-19 vaccination coverage. Those who got infected with COVID-19 [here] are experiencing mild symptoms, if not asymptomatic, and are sick for two to three days," banggit nito.

Nitong Enero 9, umabot na sa 52 porsyento ang ICU bed utilization sa NCR habang ang isolation bed utilization nito ay umabot na sa 50 porsyento. Angthreshold nito upang umabot sa moderate risk ay 71 porsyento.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"We will not hesitate to do Alert Level 4 if the parameters reach the threshold.We continue to manage the situation so we do not reach that threshold," paliwanag ng opisyal.

Nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3 ang NCR hanggang Enero 15.