Pagbabawalan munang lumabas ng bahay ang mga hindi pa bakunado sa San Juan City.

Ito ang inanunsiyo ni City Mayor Francis Zamora nitong Lunes, Enero 3, at sinabing layunin nito na higpitan ang galaw ng mga hindi pa fully-vaccinated na indibidwal dahil na rin sa kinakaharap na bagong pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa dulot ng nakaraang holiday season.

Inihayag ito ni Zamora sa naganap na paglulunsad ng programang pagbabakuna ng lungsod sa FilOil Flying V Center at sa paglulunsad ng vaccination registration para sa mga batang mula 5-11 taong gulang sa lugar.

Hindi aniya pinapayagan ng ordinansa na lumabas ng bahay ang mga hindi pa nababakunahang indibidwal, maliban na lamang kung essential ang kanilang lakad.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Parurusahan aniya nila ang mga establisimyentong nagpapapasok ng hindi pa bakunado.

Patrick Garcia