Hinimok ng isang baguhang mambabatas nitong Miyerkules, Dis. 15 ang mga Pilipino na ibigay ang kanilang buong tiwala at pagtitiwala sa Department of Health (DOH) at sa siyensa sa likod ng pagtugon ng bansa sa COVID-19 Omicron variant na natukoy sa bansa nitong Miyerkules.

Umapela rin si Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles sa pamahalaan na huwag nang muling magpataw ng mahaba at malawakang lockdown dahil ginagawa ng DOH ang lahat upang maiwasan ang pagkalat ng bagong variant ng kinatatakutang COVID-19 variant.

Nitong Miyerkules, ibinunyag ng DOH na natuklasan ang unang dalawang kaso ng Omicron infection sa isang overseas Filipino worker mula sa Japan at isang dayuha mula sa Nigeria.

Agad na dinala ang dalawa sa pasilidad ng Bureau of Quarantine para sa isolation.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

“We have seen the effects of being vaccinated as we are slowly seeing how the new normal looks like. We don’t want our recovery to be sabotaged by this new variant. We need to be calm, trust science, and allow the government to do what is best for all of us,” ani Nograles.

Gayunpaman, umapela rin ang neophyte solon sa pambansang pamahalaan na huwag nang bumalik sa mahaba at malawakang lockdown.

“Based on most recent data, scientifically-targeted granular lockdowns are way better in controlling the spread of the virus. The best thing about it is that the effect to our people’s livelihood is minimal unlike blanket lockdowns,”aniya.

Binigyang-diin ng Harvard-trained laywer na ang dapat pagtuunan ng pansin, bukod sa lockdown, ay ang pagbabakuna ng mas maraming mamamayan.

“It is a good thing that both Omicron cases are already isolated. This will help calm the public. We must address vaccine hesitancy in some areas of the country to ensure herd immunity while also making booster shots available for those who are already vaccinated,” dagdag niya.

Ben Rosario