Inirekomenda ng isang eksperto sa gobyerno na unahin munang mabakunahan ang 50 percent sa target population ng bansa bago ilunsad ang pagbabakuna sa mga batang edad 15 hanggang 11 taong-gulang laban sa coronavirus disease.

Kailangan pa ring maging prayoridad ng gobyerno ang senior citizens (A2) at people with comorbidities (A3) sa vaccination program dahil sila pa rin ang may “higher risk of getting severe COVID-19,” ayon kay Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) President Dr. Mary Ann Bunyi.

“Halimbawa pong ma-reach na natin iyong hinahangad nating 50 to 70 percent na target na mabakunahan itong priority groups natin na A2 and A3, then palagay ko po puwede naman po nang maibigay at masimulan sa mga batang may edad na 5 to 11,” sabi ng eksperto nitong Oktubre 29.

Una nang naiulat ang rekomendasyon ng US Food and Drug Administration na bigyang awtoridad ang paggamit ng Pfizer-BioNTech vaccine sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong-gulang.

National

Harry Roque, isasama arrest warrant ng korte sa pag-apply niya ng asylum sa Netherlands

“Doon po sa pag-aaral na ginawa ng Pfizer doon sa America, nakita nila na more than 90 percent ang bisa noong bakuna laban sa COVID-19. Sa usapin naman po kung ligtas ang bakuna, ang sinasabi po doon sa kanilang pag-aaral na ito ay ligtas,” sabi ni Bunyi.

Nagsimula na ang COVID-19 vaccination sa mga batang may comorbidities, edad 12 hanggang 17 taong-gulang.n Parehong Pfizer-BioNTech at Moderna ang ginagamit para sa pediatric vaccination.

Samanatala, nasa kabuuang 23,727 mga bata na may comorbidities edad 12-17 na ang nakatanggap ng kanilang unang vaccine dose sa bansa.

Analoue de Vera