Hindi napansin ang pag-aalinlangan sa mga magulang kasunod ng naisagawang inisyal na pediatric vaccination laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Para kay Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) President Dr. Mary Ann Bunyi, naging epektibo ang pagpapalaganap ng mensahe ng gobyerno kaugnay ng kahalagahan ng bakuna.

“Marahil po kasi dahil naunawaan ng mga magulang na ang mga anak nila na mayroong comorbidities or may underlying medical conditions, sila po iyong mga bata na maaaring magkaroon ng malubhang COVID-19,” sabi ni Bunyi.

“At saka siguro po naparating nang maayos na iyong bakuna ay ligtas at mabisa laban sa COVID kaya wala ho kaming naging balakid sa pagtanggap nila ng COVID-19 na bakuna,” dagdag niya.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Sinimulan ng gobyerno ang COVID-19 vaccination para sa mga batang may comorbidities edad mula 12 taong-gulang hanggang 17 taong-gulang nitong Oktubre 15 sa Metro Manila. Nakatakdang ilunsad ang nationwide implementation nito sa Nobyembre 3.

Dagdag ni Bunyi, matagumpay ang inisyal na vaccination program ng pamahalaan.

“Naging tahimik at maayos po ang naging rollout ng pagbabakuna dito sa mga batang ito,’ sabi ng eksperto.

“Sa mga magulang at mga kabataan na hindi pa nakakapagpabakuna, ito yung pagkakataon ninyo na madagdagan ang inyong proteksiyon laban sa COVID. Ang rollout ay i-e-expand na by November, first week of November,’ paghihiyakat ng pediatric doctor.

Analou de Vera