Pinayuhan ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) ang mga lumibot sa dolomite beach sa Manila Bay kamakailan na bantayan ang sarili laban sa sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang pulong balitaan, pinayuhan din ni DOHUndersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga ito na agad na mag-self-isolate at magsuot na rin ng face mask sa loob ng kanilang bahay kung nakakaramdam ng sintomas ng sakit.
"Laging alamin kung tayo ay may nararanasang pagsakit ng ulo, pagsakit ng lalamunan, inuubo, sinisipon, nawalan ng pang-amoy, nawalan ng panglasa, lahat po iyan i-monitornatin,"ayon kayVergeire.
Inilabas ng opisyal ang babala nang naitala ng Manila Baywalk Coordinating Office nitongOktubre 24 ang libu-libong namasyal sa nabanggit na beach, kabilang na ang mga bata.
Matatandaangnanawagan din angMalacañanangsa publiko na pairalin ang minimum health standards kapag lumilibot sa beach na matapos itong buksan ntong Oktubre 19.
“Konting sakripisyo lang po iyan, mainit, mahirap huminga pero kayo naman ay makakasiguro na 'di magkakahawaan diyan sa inyong mga pamilya," dagdag pa ni Vergeire.