Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong BIyernes, Oktubre 29, ng 4,043 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Base sa latest case bulletin, pumalo na sa 2,779,943 ang kabuuang bilang ng kaso ng virus sa bansa. Sa naturang bilang, 1.8 na porsyento o 50,630 ang aktibong kaso.

Sa mga aktibong kaso-- 74.1 porsyento ang nakararanas ng mild symptoms, 10.71 porsyento ang nasa moderate condition, 6.5 porsyento ang asymptomatic, 6.1 porsyento ang severe symptoms, at 2.6 porsyento ang nasa kritikal na kundisyon. 

Umabot naman sa 42,621 ang death toll matapos makapagtala ng 44 na bagong namatay dahil sa sakit.

Eleksyon

2 patay, 5 sugatan sa pamamaril sa Silay City ngayong eleksyon; isa sa mga suspek, barangay chairman

Samantala, 2,686,692 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit nang makapagtala pa ng 3,224 na new survivors.