Isang opisyal ng Department of Health (DOH) ang naghikayat sa mga Pilipino na buong pamilyang magpabakuna upang masiguro ang proteksyon laban sa coronavirus disease (COVID-19).
“Yung pagpapabakuna po natin bilang isang pamilya ay paraan ma-protektahan ang sarili natin, pati yung iba pang hindi pa pwedeng magpabakuna [at mga] kabataang labing isa pababa,”sabi ni Alfonso Regala, Head of Program Implementation and Outreach Division of DOH, sa naganap na Talakayang Makabata 2021 ngayong Martes, Oktubre 26.
Hinikayat niya na rin na magpabakuna maging amg mga batang may comorbidities upang maiwasan ang banta ng severe COVID-19.
“Kailangan natin protektahan yung mga kabataang may karamdaman kasi sila yung higit na mas vulnerable sa severe na COVID-19,” sabi niya.
“Panagalwa, kahit pa protektahan natin sila yng may mga comorbidity whether adult or kabataan, mahalaga pa rin sundan natin ‘yung prioritization,” dagdag niya.
Ani Regala, magsisimulang ipamahagi ang bakuna para sa mga menor de edad sa iba’t ibang parte ng bansa sa Oktubre 29.
Siniguro rin ng opisyal na ang mg bakunang ituturok ay aprubado para sa emergency use ng Food and Drug Administration (FDA)upang masiguro ang kaligtasan at epekto nito sa mga bata.
Jaleen Ramos