Habang nilalabanan ng bansa ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic, patuloy naman ang pagsasanay ng Philippine Red Cross sa mga first aiders na maaaring makatulong na mabawasan ang strain sa mga emergency medical services.

Mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon, nakapagsanay na ang PRC ng nasa 43, 206 na first aiders na kwalipikado sa pagkilala at panggagamot sa ilang klase ng injury at sakit na maaaring mangyari sa mga tahanan at mga workplace.

“Basic first aid skills are very important and making it accessible to all is an important humanitarian act,” sabi niPRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon.

“It is, therefore, a crucial must,” dagdag niya.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Habang napuno ng COVID-19 pandemic ang medical systems ng bansa, ang mga nasanay na first aiders ay may kakayahan na maiwasan ang malalang kondisyon ng isang pasyente habang hinihintay na makarating ang emergency.

“During the pandemic, with restrictions and safety protocols, PRC is finding ways to reach more people and to fulfill the goal of having one first aider per household,” sabi ni Gordon.

“We are encouraging everyone to be that first aid hero in your family, in your school, and your community,” dagdag niya.

Nagmula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga sinanay na first aiders: nasa 13,918 ang nasanay saNational Capital Region, 5,401 sa Northern Luzon, 4,138 s Central Luzon, 4,473 saSouthern Tagalog, 1,869 sa Bicol Region, 6,805 sa Visayas, at 6,602 in Mindanao.

Pagbabahagi ng PRC, naging malaking pagsubok ang pandemya upang maisakatuparan ang pagsasanay. Ilang adjustment ang ginawa ng organisasyon para maituro ang life-saving training online.

Para sa mga interesadong kaugnay ng training course ng PRC, maaaring makipag-ugnayan sa Safety Services Department via email [email protected] o [email protected].

Merlina Hernando-Malipot