Habang inaasahan ang malaking bilang ng mga indibidwal na uuwi sa kanilang mga probinsya o maghahanda para sa pagbisita sa mga mahal sa buhay sa darating ng Undas (All Saint’s and All Soul’s Day), nagbabala ang Philippine National Police (PNP) laban sa mga magbebenta o gagawa ng pekeng swab test results.

Ang antigen test at RT-PCR (Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction)test results ay kadalasang hinihingi sa pag-uwi sa mga probinsya.

Pinaalalahanan ni PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang publiko na huwag maloko ng mga modus operandi ng ilang grupo na nagbebenta ng pekeng swab test results nang walang aktuwal na RT-PCR test o pekeng COVID-19 test results kasunod ng pagkaka-aresto ng tatlong indibidwal sa lungsod ng Quezon.

Nagbayad ang biktima ng halagang P16,000 para sa RT-PCR test ngunit napag-alamang peke ang mga dokumento. May logo pa ng Philippine Red Cross ang nasabing resulta.

Probinsya

Pugot na bangkay ng isang lalaki, natagpuang palutang-lutang sa ilog

“This is a serious offense especially that we are still under pandemic. That is why even before, we have been focusing on this modus,” sabi ni Eleazar.

“I commend our personnel in the Quezon City Police District for their quick action on the complaint regarding the fake RT-PCR results being sold to our kababayan. Our operations will continue and we have already arrested a number of people for this modus,” dagdag niya.

Hinikayat ni Eleazar ang publiko na magsumbong sa mga awtoridad. Hindi rin dapat na kumuha ng pekeng swab test results dahil damay sa kaso ang sinumang magpapaloko sa nasabing modus.

Aaron Recuenco