Nakapagtala ang Pilipinas ng 5,823 na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong Biyernes, Oktubre 22.
Umabot na sa 2,745,889 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa naturang bilang, 66,838 ang aktibong kaso o 2.4 na porsyento ng kabuuang bilang, base sa latest case bulletin na inisyu ng Department of Health (DOH).
Sa aktibong kaso, 79.1 na porsyento ang nakakaranas g mild symptoms, 6.1 na porsyento ang asymptomatic, 1.9 na porsyento ang kritikal, 4.6 na porsyento ang severe, at 8.33 na porsyento ang nasa moderate condition.
Samantala, nakapagtala ang health department ng 4.748 na mga gumaling sanhi upang umabot sa 2,637,531 ang kabuuang bilang ng mga recoveries.
Habang 41,520 naman ang namatay sa sakit matapos makapagtalaga ng 283 na namatay sa COVID-19.
Ayon sa DOH, 45 na duplicates ang tinanggal sa total case count. 36 sa mga ito ay mga recoveries.
Habang 220 na kaso naman ang nai-tag bilang recoveries na kalaunan ay namatay na pala sa pinal balidasyon.
Jhon Aldrin Casinas