Natagpuang patay ang isa lalaki sa Sandiganbayan Tunnel sa Bgy, Batasan Hills, sa Quezon City nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ng Quezon City Police District ang lalaki na si Arnel Cabangbang, 47, residente ng Bgy. Batasan Hills.
Ayon sa mga pulis, natagpuan ang biktima ng pamangkin nito na si Kenneth Amor, 26 nang nakita niyang maraming tao ang nakatingin sa tunnel.
Sinabi ni Amor na hinahanap niya ang kanyang tito matapos itong umalis sa kanilang bahay noon Biyernes ng umaga.
Tinitingnan ng mga awtoridad mula sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) at QCPD, ang posibilidad na nahulog ang biktima mula sa isang footbridge sa itaas ng tunnel.
Aaron Dioquino