Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes ng 4,806 mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa case bulletin #586, na inilabas ng DOH nitong Oktubre 21, 2021, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,740,111 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 2.4% na lamang o 65,835 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso naman, 78.7% ang mild cases, 8.53% ang moderate, 6.2% ang asymptomatic, 4.6% ang severe at 2.0% ang kritikal.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Nakapagtala rin lamang naman ang DOH ng 5,934 bagong gumaling sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, umaabot na sa 2,633,039 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 96.1% ng total cases.

Mayroon lamang ring 260 pasyente na namatay dahil sakomplikasyongdulot ng COVID-19.

Sa ngayon, umakyat na sa 41,237 ang COVID-19 death toll ng Pilipinas o 1.50% ng total cases.

Samantala, iniulat rin ng DOH na mayroon pa rin namang 64 duplicates ang inalis ng DOH sa total case count, kabilang dito ang 51 recoveries.

Mayroon ring 175 pasyente na unang tinukoy bilang recoveries ang malaunan ay nireklasipika matapos na matuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon.

Anang DOH, sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Oktubre 19, 2021 at lahat ng laboratoryo ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Mary Ann Santiago