Nakikitaan na ng downward trend o pagbaba ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases ang mga lugar na sakop ng  ‘NCR Plus 8 areas’ sa bansa.

Ang NCR Plus 8 areas na kinabibilangan ng National Capital Region (NCR), Rizal, Pampanga, Batangas, Laguna, Cavite, Bulacan, Davao City at Cebu City, ay matatandaang inilagay ng pamahalaan sa quarantine bubble may ilang buwan na ang nakararaan matapos na makitaan nang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA Research Group, nasa ‘less than 0.55’ na lamang ang reproduction number sa mga naturang lugar, o bilang ng mga tao na maaaring ihawa ng isang pasyente.

Sa inilabas na datos ni David sa kanyang Twitter account, lumilitaw na ang Rizal ang may pinakamataas na reproduction number na nasa 0.55 na lamang, kasunod ang NCR at Pampanga na may 0.52 na lamang.

Eleksyon

Khalil Ramos, nagpaalala sa pag-shade ng balota

Nasa 0.51 naman ang reproduction number ng Batangas, 0.50 ang Bulacan, 0.49 ang Davao City, 0.45 ang Laguna, 0.44 ang Cebu City, at pinakamababa ang Cavite na may 0.43 na lamang.

Mary Ann Santiago