Itinalaga ni Pangulong Duterte si Jesus Melchor Quitan bilang pinakabagong chief presidential legal counsel, pag-aanunsyo ng Palasyo nitong Martes, Oktubre 19.
Inanunsyo ni Presidential spokesman Harry Roque ang pagpapalit sa isang virtual press briefing
Naghain ng kandidatura pagka-senador ang long-time legal counsel ng Pangulo na si Salvador Panelo.
Nagsilbing officer-in-charge (OIC) nitong 2018 si Quitan nang tumakbo noon ang dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go bilang senador.
Samantala, wala pa ring nakikitang papalit kay grarian Reform Secretary John Castriciones and Informations at Communications Technology Secretary Gringo Honasan IIIna parehong naghain din ng kandidatura pagkasenador.
“Wala pa po akong balita,” sabi ni Roque.
Sa ilalim ng PDP-Laban Cusi faction, kasama sina Panelo, Castriciones, at Honasan sa mga inendorso ng Pangulo.
Ang mga itinalagang opisyal na naghain ng certificate of candidacy (COC) ay awtomatikong ituturing na nagbitiw na ito sa puwesto.
Magsisimula ang campaign period sa Pebrero sa susunod na taon.
Raymund Antonio