Iniutos na rinPhilippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar, nitong Lunes saInternal Affairs Service (IAS) na madaliin ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa anim na pulis-Maynila na umano'y nangotong sa dalawang curfew violators, kamakailan.

“I commend the Manila Police District for acting on the complaint of extortion that led to the arrest of these 6 policemen. Let this serve as an assurance to our kababayans that we will not tolerate this illegal activity and we are serious in weeding out these kinds of policemen from our ranks,” ani Eleazar.

Ayon kay Eleazar, bukod sa kasong robbery at extortion, dapat na kasuhan din ng administratibo anga anim na pulis na sangkot sa umano'y pangongotong sa isang Sangguniang Kabataan chairperson at sa kasamahan nito matapos silang madakip sa Luzon St., Sta. Cruz, Maynila, nitong Oktubre 14.

Hindi muna isapubliko ng puisya ang pagkakakilanlan ng anim na pulis hangga't hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa kaso.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Naiulat na nasamsam sa dalawa ang drug paraphernalias, gayunman, walang nasamsam na iligal na droga.

Hiningan umano sila ng mga pulis ngP47,000 kapalit ng kanilang kalayaan.

Matapos silang pakawalan, kaagad na nagsuplong ang dalawa sa iba pang mga pulis na umaresto sa anim nilang kasamahan sa trabaho.

PNA