Naglunsad ng online donation drive ang University of the Philippines (UP) Cagayanos para sa mga biktima ng Bayong “Maring.”

Layon ng grupo na makapaghatid ng tulong sa mga magsasaka, eskwelahan at pamilyang hinagupit ng bagyo.

“This is a recovery effort to assist the immediate needs of these affected groups in the hope of alleviating the current resource struggles of our fellow Cagayanos,” caption ng UP Cagayanos sa kanilang social media.

Maaring makipag-ugnayan ang mga nais magbigay ng donasyon sa kanilang Facebook page.

National

Meralco, tapyas-singil sa kuryente ngayong Mayo

Ayon sa Department of Agriculture, tinatayang nasa P1.7 bilyon ang naging danyos ni "Maring" sa agrikultura. Apektado nito ang nasa 56,718 na mga magsasaka at mangingisda mula ordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, at Soccksargen.

Samantala, umabot na sa 30 ang bilang ng mga nasawi sa bagyo mula nitong Biyernes, Oktibre 14 habang 13 pa ang patuloy na hinahanap ayon sa the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Gabriela Baron