Pumapayag si San Juan City Mayor Francis Zamora na maibaba na ang status ng National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3.
Sinabi ni Zamora na hanggang nitong Oktubre 11, 2021 ay mayroon na lamang 348 aktibong kaso ng COVID-19 sa San Juan o 69% na pagbaba mula sa dating 1,123 active cases na naitala noong Setyembre 16.
Patunay lamang ito aniya na may disiplina ang mga taga-San Juan at ang pagiging epektibo ng health and safety protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).
“Due to this development, I am thus in favor of shifting the status of NCR to Alert Level 3 which will pave the way for the gradual reopening of our economy for as long as all minimum public health standards are followed,” ani Zamora.
Matatandaang ang Metro Manila ay kasalukuyan pang nasa Alert Level 4 sa COVID-19 hanggang sa Oktubre 15.
Mary Ann Santiago