Nakapagtala ang Pilipinas ng 8,292 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Lunes, Oktubre 11.

Umabot na sa 2,674,814 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. 

Sa naturang bilang, 98,894 ang aktibong kaso o 3.7 na porsyento ng kabuuang bilang ng kaso, base sa latest case bulletin ng Department of Health (DOH).

Sa aktibong kaso, 74.4 na porsyento ang nakararanas ng mild symptoms, 15 na porsyento ang asymptomatic, 1.3 na porsyento ang kritikal, 3.2 na porsyento ang severe, at 6.14 na porsyento ang nasa moderate condition.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Gayunman, nakapagtala ang DOH na karagdagang 303 na bagong gumaling sanhi upang umabot sa 2,536,260 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.

Anang DOH, 40 na duplicates ang tinanggal mula sa total case count. 32 rito ang mga nakarekober na.

Habang 21 na kaso naman ang unang na-tag bilang recoveries ngunit kalaunan ay namatay na matapos ang pinal na balidasyon. 

Sinabi rin ng DOH na dalawang laboratoryo pa ang hindi nakakapagpasa ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Jhon Aldrin Casinas