Hawak na ng Taguig City ang record na may pinakamataas na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 sa buong bansa.

Ito ay nang maitala ang 466 na bagong kaso ng sakit nitong Oktubre 9, paliwanag ni DF. Guido David, ng OCTA Research na pinagbatayan ang datos ng Department of Health (DOH).

Pumapangalawa aniya sa Taguig angQuezon City na may 451; Baguio (255); Davao City (197); Maynila (145); Zamboanga City (141); Marikina (139); Dasmarinas, Cavite (137); Cauayan, Isabela (130) at Bacolod City (125).

Inihayag ni David na mula Oktubre 2-8, umabot na sa 2,140 angseven-day average para sa mga bagong kaso ng sakit sa Metro Manila, mababa ng41 porsyento mula sa dating 3,627 cases nito na naitala nitong Setyembre 25 hanggang Oktubre 1.

National

‘You’re a blessing to our family!’ PBBM, binati anak na si Vincent sa kaarawan nito

Bumaba rin aniya angreproduction number ng virus sa NCR na umabot na lamang ng 0.61, mas mababa kumpara sa 0.81 nitong nakaraang linggo.

Sa ngayon, aabot na sa 47,843 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa Taguig, 46,759 ang nakarekober at 349 naman ang binawian ng buhay.

Jonathan Hicap