Isang babaeng vendor at kasamang waiterang inaresto ng mga pulis matapos masamsaman ng tinatayang P13.6 milyong illegal drugs sa isang buy-bust operation sa Taguig City, nitong Sabado ng hapon.
Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Major General Vicente Danao ang mga suspek na sina Melanie Capin, 35,may-asawa, vendor, at taga-B38, L14, Jakarta Street, San Marino Salawag, Dasmariñas, Cavite; at Jeffrey Sadiasa, 31, binata, at taga-B14, L15, Carnation St., T.S. Cruz Subd., Las Piñas.
Ayon sa naantalang ulat, ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Southern Police District (SPD) at Taguig City Police Station sa Slot 3, open parking lot ng shopping mall sa FTI, ARCA South na ikinaaresto nina Capin at Sadiasa, dakong 4:30 ng hapon.
Nasabat sa dalawang suspek ang dalawang kilo ng shabu, isang Samsung analog phone, driver’s license ID card at boodle money na ginamit sa buy-bust operation.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165(Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang dalawang suspek.
Bella Gamotea