ni ROBERT REQUINTINA

Kasabay ng pagdiriwang ngayong araw, Abril 26, ng ika-26 na kaarawan ni Kapamilya star Daniel Padilla, isang sweet vow naman ang ibinigay nito sa kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Tila simple lamang ang magiging celebration ng aktor, na ang mga kaibigan at supporters ay nag-organisa ng isang community pantry sa Tacloban City.

Bago ang kaarawan, isang romantic photo nilang dalawa ni Kathryn ang ibinahagi ni Daniel sa Instagram.

Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

Kasama ng post ang kanyang sweet vow kay Kathryn na: “Ako at ikaw hanggang pagtanda.”

Sa isa pang IG post, na nagpapakita ng larawan ni Daniel habang nagpo-proposed kay Kathryn, nakasulat ang: “Marriage is a lifetime commitment. Hanggang sa pagtanda.”

For several months now, naging bukas si Daniel sa kanyang relasyon kay Kathryn na dumating sa punto na pinag-uusapan nito ang kanyang wedding plans.

Pagbabahagi ni Daniel, gusto niyang magpakasal bago mag-30 years old.

“Sana 3-4 years from now makasal na ako. Huwag na sigurong patagalin pa,” anito.

Aminado rin ang dalawa na pinagpaplanuhan na nila ang lahat, at ayaw nilang madaliin ang mga bagay, lalo na ang pag-aasawa.

“Nilalatag muna namin ‘yung mga bagay, pinaplano namin. This year 26 na ‘ko, my God. Ikaw love, 25 ka na. Ganito na tayo bigla,” pahayag ni Daniel sa isang hiwalay na panayam.

Dagdag ni Kathryn: “Yung natutunan namin sa The House Arrest of Us, na kailangan pareho kayong ready and ‘yung pamilya namin ready baka mahimatay sina mama at tita Karla ‘pag sinurprise namin sila.”

Samantala, nag-organisa naman ang kaibigan at supporters ni Daniel ng isang community pantry sa Tacloban City.

Pinasalamatan ni Karla Estrada, ina ni Daniel, ang supporters ng kanyang anak para sa effort ng mga ito.

“Maraming Maraming Salamat sa aking mga SANGKAY (kaibigan) sa Tacloban sa pag organisa ng pag kakawang gawa. Ito aY buong puso nilang ginawa para sa pagsalubong sa kaarawan ni Daniel.

“Mabuhay kayo aking mga kaibigan !!! Masayang maging bahagi ng paghatid tulong sa kapwa. TO GOD BE ALL THE GLORY,” post ni Karla sa Instagram.