August 04, 2026

Home BALITA National

Sen. Ping sa umano'y pagdakip kay Sen. Bato: 'Kung nahuli yun, nasa airport na yun!'

Sen. Ping sa umano'y pagdakip kay Sen. Bato: 'Kung nahuli yun, nasa airport na yun!'
MB File Photo

Natanong si Sen. Panfilo "Ping" Lacson kung may natanggap na siyang impormasyon kaugnay sa kumakalat na balitang umano'y naaresto na si Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa.

Ang pahayag ni Lacson ay kasunod ng pagkalat ng iba't ibang ulat sa social media hinggil sa sinasabing pagkakadakip ng senador, na hanggang ngayon ay hindi pa kinukumpirma ng mga awtoridad.

Ayon kay Lacson, sa panayam ng GMA News sa kaniya, "negative" ang impormasyong natanggap niya mula sa kaniyang mga contact sa National Bureau of Investigation (NBI).

Wala rin umano siyang natatanggap na kumpirmasyon mula sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dagdag pa niya, kung totoo umanong naaresto si Dela Rosa, malamang ay naihatid na ito sa paliparan.

National

Nasa'n ang Bato? Manhunt kay Sen. Dela Rosa, patuloy giit ni NBI Dir. Matibag!

"NBI, negative. [Pulis] wala pang feedback, saka Armed Forces. Yung NBI, talagang wala raw," saad ni Lacson.

"Kasi kung nahuli yun, nasa airport na yun," dagdag pa ng senador.

Nauna nang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na wala pa rin siyang impormasyon hinggil sa kumakalat na ulat.

Gayundin, sinabi ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Atty. Polo Martinez na wala pa silang detalye kaugnay nito.

Itinanggi rin ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na ang kanilang ahensya ang nagsagawa ng anumang pag-aresto kay Dela Rosa.

Matatandaang nahaharap si Dela Rosa sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng imbestigasyon sa umano'y crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya kontra ilegal na droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa alinmang ahensya ng gobyerno o sa kampo ni Sen. Dela Rosa hinggil sa mga kumakalat na ulat ng kanyang umano'y pagkakaaresto.Ka

Kaugnay na Balita: 'Bad news is coming. Pray hard that it is not true, for the good of the nation!'—Jimmy Bondoc