August 03, 2026

Home FEATURES Trending

Nursing student, clinical instructor, kinilala sa pagresponde sa sugatang siklista

Nursing student, clinical instructor, kinilala sa pagresponde sa sugatang siklista
Photo courtesy: OlivarezCollege Paranaque (FB)

Kinilala ng isang paaralan ang pagmamalasakit ng isa sa kanilang mga mag-aaral at clinical instructor sa isang sugatang siklista sa gilid ng kalsada. 

Batay sa kasalukuyang viral na pahayag ng Olivarez College Parañaque noong Sabado, Agosto 1, pauwi na ang mag-aaral na si Johnrich Santero nang mapansin ang isang lalaking duguan na nakahiga sa gilid ng kalsada. 

Anila, dali-daling nilapitan ni Santero ang lalaking siklista upang gamutin ang kaniyang mga sugat sa kilay, tenga, pisngi, labi, at mga daliri, gamit ang iodine habang naghihintay ng tulong. 

Maya-maya pa’y dumating ang clinical instructor na si Anna Mangusad na mula rin sa Olivarez College Parañaque upang tulungan si Santero na agapan ang mga sugat ng siklista. 

Saad ng paaralan ang pagkukusang ito nina Santero at Mangusad ay patunay na ang pag-aaral ng nursing ay hindi lamang limitado sa classroom, bagkus, ginagamit ito upang makapagsilbi saang lugar man kinakailangan. 

Trending

Rider na naghatid sa isang UPCAT taker na hindi nakapag-exam, sinaluduhan!