Ni MERCY LEJARDE

NAGBABALIK ang Thai actor na si Mario Maurer para sa isa na namang nakakakilig sa kuwento sa upcoming Lakorn series na The Blooming Treasure simula Lunes, Marso 1.

Si Win (Mario) ay isang aroganteng binata na puno ng ambisyon at walang ibang pinahahalagahan kundi ang sarili. Dahil nakatakdang manahin niya ang yaman ng kaniyang lolo, lumaki siyang mayabang sa pakikitungo sa mga tao sa paligid niya.

Matapos yumao ang kaniyang lolo, laking gulat ni Win sa will nito na nagsasabing dapat siyang magtrabaho sa Pudchompoo’s Chrysanthemum nursery at ang may-aring si Pia (Toey Jarinporn) muna ang magpapatakbo ng kaniyang kumpanya. Malaki ang utang na loob ni Pia sa lolo ni Win kaya naman tatanggapin niya ang tungkuling ito at kalaunan ay magkakaroon sila ng mas malalim na samahan.

Tsika at Intriga

Anyare? Ngipin ni Andrea, natapyas

Tuluyan kayang mabago ni Pia ang masamang ugali ni Win?

Huwag palalampasin ang The Blooming Treasure, Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7.