August 24, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Zen Hernandez, nagsalita sa pagkaka-link kay Atom Araullo

Zen Hernandez, nagsalita sa pagkaka-link kay Atom Araullo
Photo Courtesy: Zen Hernandez, Atom Araullo (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si TV Patrol news anchor Zen Hernandez sa ginagawang pagsi-ship ng netizens sa kanila ni Kapuso broadcast-journalist Atom Araullo. 

Napag-usapan kasi sa latest episode ng digital talk show na "Oh My Gan!" kamakailan ang tungkol sa dream destination niya ngayong nakarating na siya sa mahigit tatlumpung bansa.

“'Yong last trip ko kasi sa South America was Argentina, Peru, and Bolivia. Pero originally, kasi Chile 'yon. Ang tagal ng visa, di umabot. So gusto kong ituloy 'yong Chile,” saad ni Zen.

Usisa tuloy ng host na si Ganiel Krishnan, “Who do you wanna bring?”

“‘Yong travel buddy ko, ‘yong GPS ko. ‘Yong kasama ko lagi,” anang news anchor. Ayon sa kaniya, enjoy daw siyang kasama ang kaniyang travel buddy. Mahina raw kasi siya sa direksyon. 

Relasyon at Hiwalayan

Ryan Bang sa naudlot na kasal nila ng ex: 'Di pumayag ang tadhana!'

Dagdag pa niya, “I’m good in planning. So I can plan itinerary. Sobrang smoothly.”

Pero hindi na pinagalanan pa ni Zen ang tinutukoy niyang travel buddy. Kaya hiningan na lang siya ni Ganiel ng reaksiyon tungkol sa pagkakagunay niya kay Atom.

“Ang dami ring nagsi-ship sa inyo [ni Atom] on social media. People are doing edits na magkasama kayo, reporting this, reporting that. [...] How do you feel about that, of course?” tanong ni Ganiel.

“Okay lang,” tugon ni Zen. “Uso yata ‘yon ngayon, e. Mga loveteams. So kahit nasa broadcasting ka, nasa news ka, kasama ka na rin. Okay lang. It’s really part of the job.”

“Nakakaaliw din ‘yong mga tao, ‘yong level of the interest nila. Wala naman akong isyu sa kanila,” dugtong pa niya.

Matatandaang sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”  noong Nobyembre 2025, kinumpirma ni Atom na matagal na siyang nasa relasyon.

“Matagal na. How many years? See, we don’t even count, it’s been a while,” sabi ni Atom. 

Ngunit wala namang pinangalanan ang Kapuso broadcast-journalist kung sino ang maswerteng babaeng nakabihag sa kaniyang puso.

Maki-Balita: ‘Tapos na ang pila!’ Atom Araullo, kinumpirmang matagal nang taken