ni Orly Barcala

Isinailalim na kahapon sa lockdown ang Navotas City Hall matapos na mag-positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID- 19) ang 24 na empleyado nito.

Ito ang inanunsyo kahapon ng pamahalaang lungsod at sinabing hanggang Pebrero 28 ng taon ay wala munang magaganap na transaksyon sa city hall.

Ipinasyang isara ang lahat ng opisina sa city hall upang bigyang-daan ang pagdi-disinfect upang masitak na hindi na lumaganap ang virus.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Sa ngayon, naka-isolate na ang 24 na kawani upang hindi sila makahawa.