ni Nitz Miralles

 SA Subic, Zambales na maninirahan ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young at in-announce ni Mikael ang tungkol dito sa kanyang Instagram page.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

“We used to drive up to this secret beach in Subic once a month. We’d bring our food, have a picnic and be in awe that we have a piece of the sea all to ourselves. Fast forward a few years, and we’ll be living in Subic very soon! Can’t wait to be by the sea and the mountains at the same time plus we’ll have a very brown ball of fluff running around us in the photos too. #HiSoba.”

Sa comment ni Suzi Abrera na “What?!! You’ll be living in Subic?!! So cool I love it there. So excited for you guys!” ang sagot ni Mikael, “@suziabrera yes we will! We have a place na. Need to fix it up lang:).”

Winish ng good luck ng kanilang mga kaibigan sina Mikael at Megan sa desisyon nilang mag-relocate sa Subic. Nabanggit na dati ni Mikael na malapit lang ang Subic sa Manila, lalo na ngayon na maganda na ang daan, hindi na mahirap ang biyahe kapag may work sila sa Manila.

Speaking of Mikael, napupuri ang husay niya sa Love of My Life, at nakikipagsabayan siya kina Carla Abellana, Rhian Ramos, atConey Reyes. Isa ng “Love of My Life” sa pinakamagandang teleserye ng GMA-7 at mas gumaganda sa husay ng buong cast