ni Nora V. Calderon
HINDI totoong naka-lock-in shooting na sina Bea Alonzo at Alden Richards, tulad nang mga nasusulat at napapanood, pero marami na talagang naghihintay kung kailan sila matutuloy. May pasubali pa rin kasi kung matutuloy na nga sila sa middle of March ng shoot ng A Moment To Remember na ipu-produce ng Viva Films at GMA Network. Matagal nang pinag-usapan ang shoot ng pelikula na based sa Japanese series at Korean movie, ready na rin pareho sina Bea at Alden na magtrabaho, dahil after ng shooting ng movie ay may kani-kaniya na ring projects na naghihintay sa kanila na kasunod na gagawin.

Naghihintay na rin ang GMA Network para sa susunod na teleserye ni Alden na dapat ay masimulan na nila ang taping by April, dahil may schedule na rin ito ng airing. At si John Lloyd Cruz ay naghihintay na rin kay Bea para masimulan ang balik-tambalan nilang movie sa Star Cinema.