ni Fer Taboy
Patay noon din ang isang dating municipal councilor nang pagbabarilin ng isa sa riding in-tandem sa Talitay, Maguindanao.
Sa report ng Talitay Municipal Police Station (TMPS), nakilala ang biktima na si Kagui Said Karim, 64, may-asawa at dating konsehal sa nasabing bayan, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahahgi ng katawan.
Sinabi ni Maguindanao Police Provincial Office (MPPO)Director Col. Donald Madamba, nakaupo lamang ang biktima sa harap ng kanyang restaurant sa Bgy. Upper Capiton Datu Odin Sinsuat, nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek.
Kaagad namang tumakas ang salarin sakay ng naghihintay na motorsiklo.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso.