ni Leonel Abasola

Iginiit ni Senator Leila De lima na higit niyang pagtutuunan ng pansin ngayon ng pagbalangkas ng mga batas na nakatutulong sa sambayanan ngayong napagtagumpayan niya ang isa sa tatlong kasong isinampa laban sa kanya na may kaugnayan sa iligal na droga.

“Tuluy-tuloy pa rin po ang ating pagtatrabaho. Maraming salamat sa tulong ng lahat ng ating katuwang na sektor at maaasahang mga kasamahan, naisabatas natin ang 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) Act at ang Magna Carta of the Poor. Ilan lang po ‘yan sa mga batas na isinulong at patuloy nating isinusulong para sa kapakanan at karapatan ng mahihirap nating kababayan, lalo na sa panahon ng pandemya,” pahayag ng senador matapos na aprubahan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 ang isinampang demurrer to evidence .

Sa utos ni Judge Leizel Aquiatan, hindi napatunayan ng prosekusyon na may ebidensya laban kay De lima, at ang mga testimonya nina Hans Tan at Peter Co, ay hindi sapat para iugnay ang senador kay Jose Adrian Dera, na naunang kinilala bilang ka-anak ni De Lima, gayunman, lumabas na isa itong police asset.

NHCP, sinita watawat ng Pilipinas na nilagyan ng agila