ni Argyll Cyrus B. Geducos

Pinangaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bise Presidente Leni Robredo tungkol sa isang pahayag na kanyang sinabi, na inakusahan siyang nagtangkang mangilkil ng pera sa United States kapalit ng pagpapatuloy ng Visiting Forces Agreement (VFA), at binanatan na, bilang isang abugado ay dapat ay mas alam niya na ang Pangulo ay may hawak na eksklusibong awtoridad upang iguhit ang agenda ng pakikipag-ugnay sa dayuhan ng bansa.

Pinayuhan ni Duterte si Robredo na “study more” kung nais niyang maging pangulo, dahil malinaw na hindi niya batid ang kanyang tungkulin sa gobyerno.

“Every time she opens her mouth, she forgets that she is a lawyer,” sinabi ni Duterte nitong Lunes sa isang pahayag sa sambayanang Pilipino mula sa Malacanang.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Malinaw na nairita, si Duterte ay tumutugon sa isang pahayag ni Robredo na inilalarawang “extortion” o pangingikil ang kanyang sinabi noong Pebrero 12 na humiling sa US na “bayaran” ang Pilipinas kung nais nitong magpatuloy ang VFA.

Sinabhi pa ni Duterte na hindi kwalipikado si Robredonupang maging pangulo sapagkat hindi niya alam na ang patakarang panlabas ng isang bansa ay nakasalalay lamang sa pangulo ng Pilipinas.

“You really are not qualified to run as President. You do not know your role,” sinabi niya kay Robredo.

‘Kung wala kang alam, ‘wag kang magsalita,” patuloy niya.

Ayon sa Pangulo, nag-alala siya na maaaring maging pangulo si Robredo. Ngunit kung mangyayari ito, pinayuhan niya siya na mag-aral pa.

“Kinakabahan ako baka, if by chance, maging presidente ka,” sabi ni Duterte.

“If by unfortunate chance you become the president, please study more. I think that you need a refresher course as (on) law. That is my advice to you,” dagdag niya.

Sinita rin ni Pangulong Duterte si Senador Panfilo Lacson sa pagbabahagi ng parehong sentimyento kay Robredo, ngunit sinabi na mas mapapatawad niya ito dahil, hindi katulad ni Robredo, hindi siya isang abugado.

Gayunman, sinabi ni Duterte na si Lacson ay tuso sa kanyang mga pahayag, at, pinayuhan siyang alamin ang kanyang lugar.