ni Mary Ann Santiago

Iniulat kahapon ng Department of Health (DOH) na mayroon ng 44 na UK variant cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito’y matapos na magpositibo rin sa UK variant ang 19 pa sa mga sample na isinailalim sa genome sequencing sa Philippine Genome Center (PGC) kamakailan.

Sinabi ng ahensya, ito ay batay sa kanilang nakalap na impormasyon na ang tatlo sa 19 na bagong kaso na ito ng UK variant ay mula sa Region 11. Isa anila rito ay isang 10 taong gulang na batang lalaki, ang isa naman ay 54-anyos na babae at ang isa ay 33-anyos na lalaki.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Lahat ng mga ito ay walang kaugnayan sa isa’t isa at pawang aktibong kaso pa pero mild symptoms lamang ang kanilang nararanasan.

Samantala, ang dalawa naman sa bagong kaso ay mula sa Region 4-A o CALABARZON. Ang isa anila rito ay isang 20-anyos na babae na naisailalim sa swab sample noong Disyembre 22 ng nakaraang taon habang ang ikalawang kaso naman ay isang 76-anyos na babae na nagkaroon ng exposure sa isang positive case noong Enero 21. Ang pasyente ay nakararanas ng mild symptoms ng COVID-19.

Ang walo naman sa bagong kaso ay mga Returning Overseas Filipinos na nagpositibo sa virus pagdating sa bansa. Apat sa kanila ay mga lalaki habang apat naman ang babae na nasa pagitan ng mga edad na 28 hanggang 53-anyos. Ang anima sa kanila ay nasa isolation facilities pa habang ang dalawa naman ay nakarekober na.

Idinagdag pa sa DOH, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon at contact tracing upang matukoy ang mga nagkaroon ng close contact sa kanila at saan posibleng nagsimula ang impeksiyon.