ni Tara Yap

ILOILO CITY – Tatlong doktor ng isang pampublikong ospital sa Aklan ang naiulat na nahawaan ng coronavirus disease 2019.

Ito ang kinumpirma ni Aklan Provincial Health Office (APHO) director Dr. Cornelio Cuachon, Jr.

Sa panayam, sinabi ni Cuachon, ang tatlo ay nakatalaga sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) sa Kalibo.

National

Isa sa drug cases ni De Lima, muling pinabuksan ng SolGen sa Court of Appeals

“I would also clarify that earlier news report said there are four doctors infected at the hospital. That is wrong,” aniya.

Paglilinaw nito, ang naiulat na ikaapat na kaso ay isa ring doktor, gayunman, hindi ito nagtatrabaho sa nabanggit na pagamutan. Paniniyak ni Cuachon, ang nasabing kaso ay hindi makaaapekto sa buong ospital dahil inihiwalay na ang mga ito sa ibang pasilidad at isinailalim na rin sa disinfection ang mga lugar kung saan pumapasok ang tatlo. Kaugnay nito, isa namang alkalde sa Iloilo ang tinamaan ng virus.

Bukod kay Mina, Iloilo Mayor Rey Grabato, kinapitan din ng sakit ang asawa nito at driver. Pawang asymptomatic ang mga ito, ayon pa sa ulat.