ni Remy Umerez

NAGALIT ang Mayor ng Lapu-Lapu City Cebu Junard Chan kay rapper Ez Mil, dahil linyang nasasaad sa viral song Panalo. “Gumagawa siya ng istorya. Walang pakialam kahit mali basta sumikat lang.”

Ang tinutukoy na linya goes like this: Nanalo na ako nung mula pa sa/ Pinugutan si Lapu-Lapu sa Mactan / at lahat ay nasaktan na / nalaman nila na pinatay/ ang kanilang bayani/ sa karagatan ng bansa/ na pag-aari ng Pilipino.

Ayon sa Mayor, isa itong panunuya sa bayani na dapat ay nirerespeto. Gusto rin ideklarang ‘persona non grata’ ang rapper.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Ayon sa mga historian ay walang dokumento na magpapatunay kung paano namatay si Lapu-lapu.

Sa huling ulat, nag-sorry si EZ Mil to anybody na kanyang na offend. Umabot na sa 27 million views ang Panalo, kung fans ang tatanungin ay ka-level na ni Ez ang yumaong rapper Francis M at Gloc 9.

Honored naman ang rapper na hihanay siya with big name artists but ultimately ay gusto niyang magkaroon ng sariling identity.