Maja Salvador, inaabangan?

i NITZ MIRALLES

 Kumpleto na ang major cast ng Voltes V: Legacy ng GMA-7 nang i-announce na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ang gaganap sa role nina Steve Armstrong at Jamie Robinson respectively. Nauna nang in-announce na kasama sa mga bida sina Matt Lazano bilang si Big Bert, Raphael Landicho bilang si Little John, at Radson Flores bilang si Mark Gordon.

Tsika at Intriga

Nakaranas ng binat: Kylie Padilla, apektado sa nanay na sinunog 3 anak

This Friday, i-a-announce naman ang mga gaganap sa role ni Prince Zardoz at Princess Zandra. Tingnan natin kung tatama ang nag-leak na balitang si Martin del Rosario si Prince Zardoz at si Maja Salvador naman daw si Princess Zandra.

Sa interview kay Miguel, nabanggit na parang nasa cloud nine pa rin siya dahil hindi makapaniwala na siya ang mapipili sa role na marami ang umasa at nag-asam na sila ang papalaring gaganap.

Si Miguel nga lang ang sinuwerte at nakwento na halos one year na siyang nagti-training at makikita natin kung worth it ang training niya. Sigurado kasing tututukan ng Kapuso viewers at fans ng Voltes V kung siya nga ang perfect Kapuso actor for the said role.