ni Beth Camia

Nag-alok ng pautang na walang interes ang Department of Agriculture sa meat vendors sa mga public market sa Metro Manila.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, maaari nilang gamitin ito bilang operating capital sa pagbili ng mga baboy direkta sa hog raisers at pangunahing agricultural commodities sa mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka.

Sabi ng kalihim kaya silang pautangin ng Agricultural Credit and Policy Council ng DA ng hanggang P5 milyo at babayaran sa loob ng limang taon.

Eleksyon

'Bloodbath impeachment’ na bet ni VP Sara, pinalagan ni De Lima: 'Mindless arrogance!'

Hiniling na ng kalihim ang kanilang kooperasyon kasabay ng pagtiyak na may paparating ng suplay ng baboy galing iba’t ibang lugar na mas mura para kanilang paninda.