ni Mary Ann Santiago

Isang lone bettor mula sa Bacong, Negros Oriental ang nakapag-uwi ng jackpot na P12.3 milyon sa lotto draw ng Mega Lotto 6/45 nitong Biyernes ng gabi.

Sa isang paabiso, sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na P12,365,695.20 ang eksaktong napanalunan ng nabanggit na mananaya nang mahulaan ang six-digit winning combination na 18-19-04-13-29-06.

Kaugnay nito, mayroon namang 52 bettors na nakahula ng limang tamang numero at nanalo ng second prize na tig-P32,000.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle