Ni CZARINA NICOLE ONG KI
Iniutos na ng Sandiganbayan na bawiin ang P120 milyong ill-gotten wealth ni dating Armed Forces of the Phillippines (AFP) Comptroller Lt. Gen. Jacinto Ligot at ng pamilya nito.
Sa kautusan ng 4th Division ng anti-graft court, labag sa batas ang pagkuha ni Ligot at ng pamilya nito sa kanilang kayaman.
Ito ay kinabibilangan ng maisan sa Manolo Fortrich, Bukidnon, Patpat, Malaybay, at Kalasungay, Malaybay na nagkakahalaga ng P180,000, P58,320, at P84,035.60, ayon sa pagkakasunod, lupain sa Tanay, Rizal (P2-M); Essensa Condominium sa Taguig City (P22,954,545.45); Parkview Condominium sa Bel-Air Makati (P2,280,955.14); dalawang bahay sa United States na nagkakahalaga ng P17,899,377.60 at P33,680,510; Armed Forces and Police Savings and Loan Association Inc. deposits and investments na P3,800,509.41 at 5,415,021.24; paid-up shares sa Parmil Farms Inc. na nagkakahalaga ng P250,000 bawat isa para mag-asawang Jacinto at Erlinda at P37,500 kada isa kina Paulo at Riza, pawang anak ng dating heneral.
Pinababawi rin ng pamahalaan ang guardhouse ng pamilya, quarantine house, at bodega sa Imbayao, Malaybalay (P568,350); shower building at water tank sa Malaybalay (P19,368); poultry building, rest house, at covered terrace (P4,531,578); Lot Nos. 2651, 2652, 2653 at 2654 sa Imbayao (P195,000); Toyota Hilux 2001 (P1,078,000); building sa Malaybalay (P6,715,783.02); at mga makinarya sa Malaybalay (P80,000).
“Wherefore, in view of the foregoing, judgment is rendered granting in part the petition filed by the Republic of the Philippines against the respondents Lt. Gen. Jacinto Castillo Ligot, Erlinda Yambao Ligot, Paulo Yambao Ligot, Riza Yambao Ligot, and Miguela Ligot-Paragas. Accordingly, the following properties, amounting to P102,126,353.46, are hereby declared to have been unlawfully acquired and hence forfeited in favor of the state,” ayon sa 70-pahinang ruling na ipinonte ni Associate Justice Bayani Jacinto na pirmado rin nina Fourth Division Chairperson Alex Quiroz at Associate Justice Lorifel Pahimna.
Ang nasabing ari-arian ng pamilya Ligot ay hindi nailista sa statement of assets liabilities and net worth (SALN) ng dating henera mula 1982 hanggang 2003.