ni Jun Fabon
Dalawang pinaghihinalaang terrorist bombers ang napatay matapos umanong lumaban sa mga umarestong pulis sa Rajah Buayan, Maguindanao, kamakailan.
Sa report ng Police Regional Office (PRO) Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kay Philippine National Police chief, Debold Sinas, kinilala ang dalawa na sina Rasul Dubpaleg at Bhadz Dubpaleg.
Naiulat na nadakip ang dalawa ng pinagsanib na tauhan ng pulisya at militar sa nasabing lugar, nitong Huwebes ng umaga.
Dinadala na umano ang dalawa sa Maguindanao Police Provincial Office habang sakay ng police mobile car nang bigla umanong agawin ng mga ito ang baril ng kanilang police escort,
Napatay ang mga ito nang paputukan sila ng mga awtoridad.
Sinabi ni Sinas, ang dalawa ay miyembro ng Dawlah
Islamiyah group na sangkot umano sa pambobomba sa Isulan, Sultan Kudarat, isa sa Midsayap North Cotabato, at pambobomba sa Southseast Mall sa Cotabato City.