ni Mary Ann Santiago

Hinihikayat ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na bisitahin ang kanilang bagong bukas na ‘MayniLove’, na matatagpuan sa Mehan Garden, malapit sa Manila City Hall.

Ayon kay Moreno, bukas ang open-air venue sa publiko araw-araw hanggang sa Pebrero 15 at libre ang admission, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Nitong Lunes ng gabi, Pebrero 1, ay inilunsad ni Moreno, kasama si Vice Mayor Honey Lacuna ang naturang Valentine offering ng lokal na pamahalaan para sa mga Manilenyo. Makikita sa Mehan Garden ang 35 booths na nag-aalok ng candlelight dining experience, na may pianist at violinist, scented candles, photobooth, at bulaklak.

National

Akbayan kay Harry Roque: 'Uwi ka na galit na kami, Interpol bring him home!'

“Pagdamutan ninyo ang munting alay namin ni Vice Mayor Honey Lacuna as an option to celebrate love, care and show them to someone special in your life like your partners. Enjoy this, it is yours.... spread love, not hate,” pahayag ni Moreno. Aabot sa 200 trabaho ang nalikha sa MayniLove event at bukas ito mula 4:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi, mula Pebrero 1 hanggang Pebrero 15.