ni Mary Santiago

Ipinagpaliban muna ng pamahalaan ang nakatakda sanang full implementation ng Republic Act (RA) No. 11229 o ang The Child Safety In Motor Vehicles Act nitong Martes, Pebrero 2.

Nabatid na nagkasundo ang Department of Transportation (DOTr) at ang Land Transportation Office (LTO) na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng bagong batas dahil na rin sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa dulot ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Isinasapinal pa rin naman anila ng pamahalaan ang enforcement protocols para sa bagong batas, lalo na at kinakailangan ang special training dito dahil sangkot dito ang mga bata.

“Both the DOTr and LTO are in agreement that a deferment of the full implementation/enforcement of this new rule is warranted, especially given our current economic situation amid this still raging pandemic,” saad sa pahayag ng DOTr. Una nang sinabi ni LTO Deputy Director for Law Enforcement Roberto Valera na hindi muna sila manghuhuli ng mga motorista na lalabag sa mandatory child car seat law sa loob ng anim na buwan at sa halip ay gagawin munang prayoridad ang pag-educate sa mga driver at mga magulang sa pamamagitan nang pamamahagi ng mga flyers hinggil sa requirements ng naturang bagong batas.

44°C heat index, naitala sa 4 na lugar sa Luzon!