IKINASAL na rin pala sina Lovely Abella at Benj Manalo na anak ni Jose Manalo last Saturday, January 23. Hindi lang nabanggit ni Lovely kung saan sila ikinasal ni Benj dahil naging busy sa pagsagot sa bashers na inakusahan siyang plastic at manggagamit. Kaloka ‘di ba, may bashers sa wedding nina Lovely at Benj, hindi pinatawad ang mga ikinasal.

lovely at benj

Na-bash si Lovely dahil sa friendship nila ni Kathryn Bernardo na siya ring nagregalo ng wedding gown ni Lovely na gawa ni Steph Tan. Inakusahan pala si Lovely na naninira ng relasyon at relasyon daw nina Kathryn at Daniel Padilla dahil lang sa friend din ni Lovely si Alden Richards.

Ang friendship nina Lovely at Alden at ang friendship nina Lovely at Kathryn ang rason kung bakit siya naba-bash, pero hindi lahat ng KathNiel fans ay galit sa kanya. May mga nagpapayo kay Lovely na dedmahin ang ibang hindi nakakakaintindi at ang importante ay ang tiwala at friendship nila ni Kath at ni Daniel na rin.

Events

Andrea Brillantes, naispatang nanonood ng UAAP Men’s Finals

Pinasalamatan ni Lovely sina Kathryn at Daniel sa pagpunta sa kanyang kasal, hindi lang nagregalo ng wedding gown si Kathryn, pumunta pa sa wedding mismo.

Nitz Miralles