July 29, 2026

Home BALITA National

Rep. Garin, kinontra banat ni VP Sara sa SONA: 'Aksaya ba siya ng panahon? Hindi!'

Rep. Garin, kinontra banat ni VP Sara sa SONA: 'Aksaya ba siya ng panahon? Hindi!'
Photo courtesy: MB File Photo

May sagot si House Deputy Speaker at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa naging tirada ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dumalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. dahil naniniwala umano siyang isa itong "waste of time."

Sa panayam nitong Martes, Hulyo 28, sinabi ni Garin na hindi niya itinuturing na aksaya ng oras ang pakikinig sa SONA ng Pangulo dahil mahalagang malaman ng mga opisyal at maging ng pribadong sektor ang mga plano at direksyon ng pamahalaan.

"Why? Because you need to get involved. Why? Because you are part of government."

Ipinaliwanag pa ng kongresista na mahalagang mapakinggan ang mga inilalahad sa SONA upang malaman kung paano makatutulong ang bawat isa.

"Aksaya ba siya ng panahon? Hindi. Kasi pinapakinggan mo at titingnan mo saan ka ba pwedeng makatulong, ikaw man ay opisyal o ikaw man ay pribadong sektor," ani Garin.

National

Sass Sasot kumambyo, nag-sorry sa mag-asawang Matibag dahil sa 'US mansion!'

Nauna rito, sinabi ni VP Sara sa isang video message na hindi siya dumalo sa SONA ni PBBM dahil naniniwala siyang "pagsasayang lamang ito ng oras."

“Hindi ako nanood ng SONA like last year. And wala akong planong basahin ang nilalaman ng SONA o kahit man lang summary dahil I truly believe it is a waste of time of the Filipino people," pahayag ng Bise Presidente.

Maki-Balita: VP Sara ‘di nanood ng SONA ni PBBM: ‘Waste of time’

Hindi ito ang unang pagkakataong hindi dumalo si Duterte sa SONA ni Pangulong Marcos. Mula nang lumala ang hidwaan ng dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, ilang beses na ring hindi siya nakiisa sa mahahalagang aktibidad ng administrasyon.