Nagbigay ng reaksiyon si Vice President Sara Duterte kaugnay sa ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa isang panayam mula sa OVP Media na kuha sa The Hague, Netherlands at may petsang Hulyo 27, sinabi ng Bise Presidente na gaya noong nakaraang taon, hindi rin niya pinanood ang SONA ng Pangulo.
Aniya, “Hindi ako nanood ng SONA like last year. And wala akong planong basahin ang nilalaman ng SONA o kahit man lang summary dahil I truly believe it is a waste of time of the Filipino people.”
Bago ito, nauna nang pinayuhan ni Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro si VP Sara na manood ng SONA upang malaman ang m ga dapat nitong itulong sa Pilipinas.
“Sana tumutok siya [VP Sara] para alamin n'ya kung paano ba siya makakatulong sa mga isyu na ang Pangulo lang ang pumapasan ngayon kasi lagi po siyang wala sa bansa,” saad ni Castro.
Matatandaang makailang beses nang pinuna ng Bise Presidente ang Pangulo hinggil sa umano’y kawalang aksyon nito sa mahahalagang isyu ng bansa—bagay na mariing pinapalagan ng Palasyo.
Maki-Balita: VP Sara, dapat manood ng SONA para malaman paano tutulong sa bansa—Usec. Claire