July 29, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pitik Queen, ibinida pagpapa-renovate sa bahay ng mga magulang: 'Katas ng aking pitik at soft moves!'

Pitik Queen, ibinida pagpapa-renovate sa bahay ng mga magulang: 'Katas ng aking pitik at soft moves!'
Photo courtesy: Ian Mark Kamangkang (FB)

Ibinahagi ng social media personality na si Ian Mark Kamangkang, na mas kilala bilang "Pitik Queen," ang isa sa pinakamahalagang tagumpay sa kaniyang buhay matapos niyang ipasilip sa kaniyang mga tagasubaybay ang ipinagagawang bahay para sa kaniyang pamilya.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Hulyo 28, sinabi ni Pitik Queen na bunga ng kaniyang pagsisikap bilang content creator ang pagpapaayos ng bahay ng kaniyang mga magulang.

"Katas ng aking pitik at soft moves. Natupad ang isa sa pinakamalaking pangarap ko—ang ma-renovate ang bahay ng aking mga magulang. Noong nagsimula, napaluha sila sa tuwa, at ngayon, ligtas na kami kahit umulan," aniya.

"Una sa lahat, salamat sa Diyos sa gabay at biyaya."

"Maraming salamat din sa aking followers sa patuloy na suporta," aniya pa.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, stable ang health condition: 'Bahala na ang Diyos sa buhay ko!'

Umani ng libo-libong reaksyon at komento ang kaniyang post, kung saan maraming netizen ang bumati at nagpahayag ng paghanga dahil sa pagtulong niya sa kaniyang pamilya.

"Nothing is impossible when you are focusing to your Goals."

"congrats QP. dahil dyan meron kang limang pitik and 2 soft moves"

"Saksi kami sa pangarap mung yan and we're happy na natutupad munayan ngayon stay blessed Neng lalab."

"congrats QP. dahil dyan meron kang limang pitik and 2 soft moves"

Nakilala si Pitik Queen sa social media dahil sa kaniyang mga nakakaaliw na video at kakaibang "pitik" at "soft moves" na naging trademark niya sa paggawa ng content, lalo na sa pagsayaw ng "Hawak Mo Ang Beat."

Dahil sa kaniyang natural na pagpapatawa at relatable na personalidad, mabilis siyang nakabuo ng malaking bilang ng mga tagasubaybay sa Facebook at iba pang social media platforms.

Sa kabila ng pagpapatawa, may mga karanasan din sa buhay si Ian Mark na talaga namang nagdulot sa kaniya para mas maging matatag sa buhay.

Sa panayam sa kaniya sa "Toni Talks" ni Toni Gonzaga-Soriano noong Abril, sinabi ni PQ na nabiktima raw siya ng bullying noong bata pa siya, dahil sa pagiging beki.

Maki-Balita: Pitik Queen, biktima ng bullying dahil sa pagiging beki

“From grade one to grade six, may nangbu-bully na sa akin dahil sa aking gender. Mostly ang sinasabi, kapag naglalakad ako sa daan papuntang school, ‘Bakla! Bakla!’”

Pero dinededma lang umano niya ang mga panlalait na ito.

“Bahala kayo diyan. Wala naman akong ginagawang kasalanan sa inyo. Ito ako. Bading ako,” aniya.